Pampublikong pweding puntahan OR Matatawagan

balita お知らせ

現在のページは
Tuktok na pahina
balita
Kategorya: pansinin
2024/11/15 Magiging mas mahigpit ang mga ...

Magiging mas mahigpit ang mga tuntunin sa trapiko ng bisikleta simula Nobyembre.

2024/11/15

  • pansinin

 

  1. Magingat sa paggamit ng smartphone kapag nagbibisikleta.

《Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal》

・ Huwag tumawag sa telepono gamit ang iyong smartphone sa kamay habang nakasakay sa iyong bisikleta.

・ Huwag maglaro sa iyong smartphone o tingnan ang mga email habang nakasakay sa iyong bisikleta.

※Kung gusto mong gawin ang anumang bagay gamit ang iyong smartphone, tiyaking ihinto muna ang iyong bisikleta.

《Mga detalye ng parusa》

Ang mga lalabag ay huhulihin ng pulisya.

Pagkatapos ang mga lalabag ay makukulong ng hanggang anim na buwan o pagmumultahin ng hanggang ¥100,000.

Kung may aksidenteng mangyari ang lalabag ay huhulihin ng pulisya.

Pagkatapos ang mga lalabag ay ikukulong ng hanggang 1 taon o pagmumultahin ng hanggang ¥300,000.

  1. Ang pag-inom at pagbibisikleta o pagpapahiram ng bisikleta sa isang taong nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay ipinagbabawal.

《Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal》

  • Hindi ka dapat uminom at magbisikleta.
  • Hindi ka dapat magbigay ng alak sa mga taong nagbibisikleta.
  • Hindi ka dapat magpahiram ng bisikleta sa mga taong nasa ilalim ng impluwensya.

《Mga detalye ng parusa》

Ang mga indibidwal na nagbibisikleta sa ilalim ng impluwensya ng alak at ang taong nagpahiram ng bisikleta sa kanila ay huhulihin ng pulisya.

Pagkatapos ang mga lalabag ay makukulong ng hanggang tatlong taon o pagmumultahin ng hanggang ¥500,000.

Ang mga indibidwal na nagbigay ng alak sa mga taong nagbibisikleta at mga taong nagbibisikleta sa ilalim ng impluwensya ng alak ay huhulihin ng pulisya.

Pagkatapos ang mga lalabag ay makukulong ng hanggang dalawang taon o pagmumultahin ng hanggang ¥300,000.

 

Ligtas tayong sumakay ng ating mga bisikleta.

 


↑ Sa tuktok ng pahina